Catanduanes State University - Virac, Catanduanes

Catanduanes State University

News

Mag-aaral ng Paaralang Laboratoryo ng CatSU, kampeon sa pagsulat ng editoryal sa NYSTESC 2025

Education

October 7, 2025

Itinanghal na kampeon si Gianna Liey Taopa, mag-aaral ng Paaralang Laboratoryo ng CatSU, sa kategoryang Pagsulat ng Editoryal sa National Youth Science, Technology, and Environment Summer Camp (NYSTESC) 2025 na ginanap noong Hulyo 24–28 sa FarmKo Glamping & Fun Farm, Dolores, Quezon.
Ang nasabing kompetisyon ay nilahukan ng mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa bansa na kasapi ng mga Science Club, sa ilalim ng pamamahala ng Philippine Society of Youth Science Clubs (PSYSC).
Bukod sa pagkapanalo ni Taopa, kinilala rin ang iba pang delegado ng CatSU sa iba’t ibang larangan: Nathalie Jean Zafe, ikalawang gantimpala sa Paggawa ng Poster; Maria Karmela Tenerife, ikatlong gantimpala sa Paggawa ng Poster (Junior High School Category); Karl Noah Alcantara, Jared James Bonavente, Zian Josh Barcellano, at Miko Alejandro Teves, ikatlong gantimpala sa Take-Home Workshop: CSI Ingenuity; at Rommgerald Rojas, ikalawang pinakamataas na iskor sa School Quiz Eliminations.
Ang NYSTESC ay isang taunang pambansang programa na naglalayong itaguyod ang pag-unawa at pagpapahalaga ng kabataan sa agham, teknolohiya, at kapaligiran sa pamamagitan ng mga gawaing pananaliksik, malikhaing paligsahan, at kolaboratibong pagsasanay.