Catanduanes State University

At the forefront facing the eastern pacific seaboard, is the Catanduanes State University, one of the distinguished state universities in the region. Driven by firm resolve in upholding the tradition of excellence through united front and consistent spirit.

Sentro ng Wika at Kultura

Rizal Forum, matagumpay na nairaos sa CatSU

Rizal Forum, matagumpay na nairaos sa CatSU

Matagumpay na nairaos ng Sentro ng Wika at Kultura ang pagsasagawa ng Rizal Forum na may pamagat na “Muling Sulyap sa Mga Natatanging Katha ni Dr. Jose Rizal” sa Pampahalaang Unibersidad ng Catanduanes noong Marso 1, 2023.Pinangunahan ni Dr. Jovert R. Balunsay, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, ang nasabing talakayan na may layuning linangin ang kaalaman at kasanayang kultural at pampanitikan ng mga kaguruang nagtuturo ng nasabing asignatura.Kasama sa mga dumalo sa gawaing ito ang mga mag-aaral na kumukuha ng General Education Courses na GEC 9 o ang Buhay at mga Akda ni Rizal.Ayon sa Direktor, ang asignaturang ito ay itinuturo sa antas tersarya bilang pagtupad sa mandato ng Republic Act 1425, na lalong kilala sa tawag na Batas Rizal.“Sa naturang batas na ito, iniuutos ang pagtuturo ng talambuhay at mga akda ng pambansang bayani bilang paraan ng paglinang sa patriotismo ng mga mag-aaral sa kolehiyo,” ani ni Dr. Balunsay.Ilan sa mga nagbigay ng panayam ay mga dalubguro na sina Prop. Francis B. Tatel na ibinahagi ang paksang “Si Rizal sa Pananaw ni Ambeth Ocampo,” Dr. Maria Charlene A. Cantar na ibinahagi ang paksang “Muling Sulyap sa mga Tula at Sanaysay ni Rizal,” at Dr. Susan M. Tindugan na nangunasa sa paksang “Mga Nobela ni Rizal: Mga Isyu at Simbolismo.”“Lagi at lagi nating pahahalagahan ang kabayanihang ipinamalas sa atin ng ating pambansang bayani. Ang kanyang buhay ay isang inspirasyon lalo na sa mga kabataang pag-asa ng bayan,” wika ni Dr. Balunsay sa pagtatapos ng nasabing gawain.  #FJBT  








Featured