Rizal Forum, matagumpay na nairaos sa CatSU
Sentro ng Wika at KulturaMatagumpay na nairaos ng Sentro ng Wika at Kultura ang pagsasagawa ng
Rizal Forum na may pamagat na “Muling Sulyap sa Mga Natatanging Katha ni Dr.
Jose Rizal” sa Pampahalaang Unibersidad ng Catanduanes noong Marso 1, 2023.
Pinangunahan ni Dr. Jovert R. Balunsay, Direktor ng Sentro ng Wika at
Kultura, ang nasabing talakayan na may layuning linangin ang kaalaman at
kasanayang kultural at pampanitikan ng mga kaguruang nagtuturo ng nasabing
asignatura.
Kasama sa mga dumalo sa gawaing ito ang mga mag-aaral na kumukuha ng
General Education Courses na GEC 9 o ang Buhay at mga Akda ni Rizal.
Ayon sa Direktor, ang asignaturang ito ay itinuturo sa antas tersarya
bilang pagtupad sa mandato ng Republic Act 1425, na lalong kilala sa tawag na
Batas Rizal.
“Sa naturang batas na ito, iniuutos ang pagtuturo ng talambuhay at mga
akda ng pambansang bayani bilang paraan ng paglinang sa patriotismo ng mga
mag-aaral sa kolehiyo,” ani ni Dr. Balunsay.
Ilan sa mga nagbigay ng panayam ay mga dalubguro na sina Prop. Francis
B. Tatel na ibinahagi ang paksang “Si Rizal sa Pananaw ni Ambeth Ocampo,” Dr.
Maria Charlene A. Cantar na ibinahagi ang paksang “Muling Sulyap sa mga Tula at
Sanaysay ni Rizal,” at Dr. Susan M. Tindugan na nangunasa sa paksang “Mga
Nobela ni Rizal: Mga Isyu at Simbolismo.”
“Lagi at lagi nating pahahalagahan ang kabayanihang ipinamalas sa atin
ng ating pambansang bayani. Ang kanyang buhay ay isang inspirasyon lalo na sa
mga kabataang pag-asa ng bayan,” wika ni Dr. Balunsay sa pagtatapos ng nasabing
gawain. #FJBT