[𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡]
EDUCATION AND RESEARCH (ED)Ipinagkaloob ng Department of
Labor and Employment (DOLE) ang mga tseke para sa DOLE Integrated Livelihood
Program (DILP) sa sampung organisasyong pangkabuhayan sa Catanduanes kahapon,
Setyembre 24 sa CatSU Auditorium.
Mahigit 100 miyembro ng asosasyon
at kooperatiba ang dumalo sa paggawad, kung saan nagkakahalaga ng Php 6.9
milyon ang kabuuang tulong para sa mga kagamitan at suplay ng mga organisasyon.
Ang Catanduanes State University
(CatSU), sa pangunguna ni SUC President III Dr. Patrick Alain T. Azanza, ang
tumulong sa pag-organisa ng mga kooperatiba, at ngayon ay siya ring gagabay
mula sa pag-download ng grants hanggang sa monitoring ng mga proyekto.
Ayon kay Dr. Azanza, bahagi ito
ng programang Padagos na Patanos Movement, na may layuning palakasin ang aspeto
ng kabuhayan ng mga Catandunganon sa pamamagitan ng CatSU Extension Services na
pinamumunuan ni Direktor Adem Nalu V. Rubio, sa ilalim ng opisina ni Vice
President for Research, Extension, and Production Affairs Dr. Rosana S. Abundo.
Nagpaalala naman si DOLE
OIC-Provincial Director Eduardo C. Lovedorial sa mga benepisyaryo na dumaan sa
tamang proseso ng procurement.
Ayon kay DOLE Region V Director
Imelda Gatinao, ito ang kauna-unahang malawakang paggawad sa sampung
organisasyon sa isang pagkakataon, sa iba't ibang industriya gaya ng meat
processing, dried fish processing, garments production, at vegetable chips
production.
Nangako naman ang mga
benepisyaryo na pagbubutihin ang pagpapatakbo ng kanilang kabuhayan.