[MAGANDANG BALITA] 1 Bilyon Smart Campus Project sa CatSU
AdministrationPersonal na pumunta sa
Appropriations Committee ng kongreso si Dr. Patrick Alain T. Azanza nitong
Agosto 26, 2024 upang mapondohan ang panukalang isang bilyong pisong Smart
Campus project sa Catanduanes State University.
Nakausap ni Dr. Azanza si Cong.
Elizalde Co, Chairman ng komite, na nagbigay ng positibong tugon at tiniyak ang
suporta para sa proyekto ng CatSU.
“I am very happy that no less
than Appropriations Chairman ‘Zaldy’ Co assured me that he will support my
proposed Smart Campus Project, and it will be on top of the regular budget of
CatSU,” saad ni Dr. Azanza sa kaniyang Facebook post.
Dagdag pa ng Pangulo na madali
aniya silang nagkaintindihan ng technical staff ng appropriations committee
ukol sa proyekto dahil sa kaniyang natapos na post-doctoral program sa
Massachusetts Institute of Technology- Institute of Data, Systems, and Society
(MIT-IDSS) na Data Science and Machine Learning.
“Naalala ko ganito din ang ginawa nating effort dati para sa PhP300 million coliseum (MICES Building) project na ngayon ay under implementation sa loob ng CatSU Campus,” pagtatapos ng CatSU president.
Sa huli, nagpaabot ng pasasalamat si Dr. Azanza kina Ako
Bicol Party-list representatives Cong. Elizaldy Co at Cong. Alfredo ‘Pido’ A.
Garbin Jr dahil sa patuloy na suporta nila sa CatSU.
#PadagosNaPatanos